Friday, January 31, 2020

Araw ng pamilya

                           
    Araw ng Pamilya





                              Noong ika 26 ng enero ay merong kaganapan na araw ng pamilya. Napakasaya na araw na iyon dahil nakasama ko ang aking pamilya at nagkasiyahan sa loob ng paaralan dahil sa paaralan ay puro mga kaklase at mga guro lang Ang iyong makikita sa paaralan. Kaya sa araw na iyon ay nakasama ko Ang aking pamilya sa paaralan na napakasaya nila dahil sa mga maraming mga laro na pangtanda o para sa iyong mga magulang. At sa aming pag presenta sa tribal na pagsasayaw masaya ang aking magulang na makikita nila ako na sumasayaw kahit matigas ang aking  katawan at ang aking pamilya ay nagalo sya sa amin dahil gusto niya na mananalo kami sa paligsahan na iyon. At natupad ang gusto mangyari sa along magulang na mananalo sa paligsahan na iyon at kami ay nagkampeon natuwa ang aking magulang dahil kahit matigas ang aking pagsasayaw benaliwala Nita basta't akoy magsakatuparan  sa pagsasayaw.





                              Talagang masaya ang aking magulang kahit alam kong meron silang malaki na problema na dinadala dahil ang ating magulang ay  sinakripisiyo ang pagod para merong Lang tayo maitustos na pagkain at sa aming magandang paaralan dahil gusto ng aking magulang na mag-aaral kami sa magandang paaralan kahit kulang ang paghahanap buhay basta't nasa maganda at tamang paaralan kami. Talagang makikita mo ang pagtatrabaho nila ng maigi dahil kahit sila ay may sakit at problema ay pumunta o pumasok parin sila sa kanilang trabaho para lang mabuhay tayo na hindi makaranas ng hirap o dukha sa ating buhay. Kahit ang lungkot ng ating magulang dahil sila lang magiisang magbuhay sa kanyang mga anak o di kaya sila ay magiisang ama o magiisang Ina. Kaya ang aking bayani sa buhay ay ang aking ina dahil benaliwala niya ang lahat na sakit at problema para lang makahanap ng panghanap buhay para sa among magkakapatid.





                                Ang mabuting asal  na makukuha natin ay dapat hindi natin bawalain ang pamilya porket meron ng ibang nagpapasaya sayo dahil sila ay kumakayod para meron mapakain na masaarap sa kanilang magagalak na anak, hindi natin pagsisigawan ang ating magulang, dapat igalang ang magulang, at sa hulang aral na ating makukuha ay dapat mag-aral Tayo ng mabuti dahil ang isa sa makapasaya sa iyong magulang ay makita ang kanilang anak na umakyat sa entablado para makuha ang diploma. Magpasalamat ako sa aking ina dahil na siya lang magisa ang nagbuhay sa aming tatlong magkakapatid. At hindi Lang sa magulang kasama nadin yung pamilya ko sa paaralan kagaya ng aking mga kaibigan at mga kaklase at guro. Dahil ang iba't ibang uri  pamilya, magkadugo man o hindi magkadugo ay sila rin ang isa sa nagbibigay lakas para sa mga bata o batang nag-aaral.




No comments:

Post a Comment